ANG GATAS NI NANAY

Friday, May 19, 2006

Ang pagiging isang ina ay isa sa mga napakahalagang responsibilidad ng isang babae. Sinasabi ng marami na na sukatan ng isang pagiging isang babae ay ang kakayahan nitong magsilang ng isang sanggol at ang kakayahan nitong magbigay ng di mapapantayang pagmamahal sa kanyang anak. Ang unaang gatas ng ina ay tinatag ng “colostrum”. Ito ay nagtataglay ng mga sustansya na kailangan ng bata sa mga unang lingo ng kanyang buhay.

Sa gatas ng isang ina ay maipadarama ng isang ina nag kanyang pagmamahal sa kanyang anak, kahalo ng gatas ng ina ang mga sangkap ng pagmamahal, pag-aaruga, at lalunglalo na ang sangkap sa pagkakaroon ng isang malusog na katawan ng sanggol.

nagtataglay ng mga bitamina at mga sangkap na kailangan ni babay sa upang siya ay maging malusog at matalinong bata sa kanyang paglaki.

nagtataglay ng DHA, AA, at Lactose na mainam upang magkaroon ng malusog at maging matalino si baby

maninam na pagkain ni baby dahil madali itong matunaw at nagbibigay ng malusog na tiyan kay baby upang maiwasan ang mga sakit tulad ng pagtatae, sipon, at ubo.nagbibigay ng pampalakas.

nagbibigay ng pampalakas at resistensya kay baby upang labanan ang mga sakit na hindi kayang ibigay ng mga ordinaryong gatas.

Nagtataglay ng katamtamang sangkap ng fat, sugar, water, at protein na nakakatulong sa paglaki ni baby.

Pinapatalas nito ang paningin ni baby at pinapaganda nito ang kutis at balat ni baby

Ang pagpapasuso kay baby ang nagbibigay sa kanya ng pakiramdam na siya pinoprotektahan at inaalgaan, at binibigyan ng lubos ng pagmamahal ng kanyang ina.

Ang pagpapasuso ay hindi lamang mahalaga para sa mga sanggol, kundi na rin para sa mga ina. May magaganda at mahahalagang papel itong ginagampanan sa kalusugan ng isang ina. Mahalaga na magpasuso ang isang ina hindi lamang para sa kanyang anak.

Nakakatulong ito upang maiwasan ang mga sakit katulad ng breast cancer, ovarian cancer, at osteoporosis.

Nakakatulong upang maiwasan ang pagdurugo at mabilis na naibabalik ang buhay bata sa normal nitong laki pagkatapos ng panganganak.

Tinulungan nito ang mga nanay na makapagbawas ng timbang at maibalik ay dating pangangatawan dahil sa pagpapasuso ay madaling nasusunog ang mga taba sa katawan bunga ng pagbubuntis.

Bibibigyan nito ang nga mga nanay na makapaghinga at magkaroon ng oras para sa kanyang sanggol. Isa rin itong paraan upang mgakaroon ng mapaglapit at magkaron ng magandang relasyon ang mag-ina.


Ang pagpapasuso sa sanggol ay nakakatulong din sa pagpapalakad ng pamilya. Di lamang puro para sa kalusugan ang hatid nito dahil:

Mas matipid ang pagpapasuso dahil hindi na kailangan gumastos para bumili ng gatas. Mas matipid pero mas higit ang sustansyang dulot nito. Nakakatipid sina nanay at tatay sa pambayad sa ospital dahil bihirang magkasakit si baby.

Nagsisilbing isang natural na paraan ng pagpaplano ng pamilya dahil pansamantalal nitong dinedelay ang normal na obulasyon at buwanang dalaw.

Nagkakaroon ng maganda at masayang relasyon di lamang sina nanay at babay kundi ang buong pamilya. Buo ang suporta ni tatay kay nanay sa kanyag pagpapasuso para dahil alam niyang magigig malusog si baby


Ang pagpapasuso ay tumatagal ng 15 - 30 minuto, bawat 1 - 3 hours, 8 - 18 beses sa isang araw. Mahalagang malaman ang tamang paspapasuso sa bata upang makaiwas sa anumang aksidente.


Humanap ng magandang position kung saan ka komportable. Hawakan ng mabuti ang ulo ng bata. Suporthan ng inyong mga braso ang likod at puwit ng bata. Hawakan ang iyong suso ng isang kamay ( huwag hawakan ang parte kung saan nakadikit ang bibig ng bata). I-compress ang suso at itapat sa bibig ng bata.

Marahang idampi ang iyong suso sa labi ng bata para maibuka niya ng mabuti ang kanyang bibig. Kapag naibuka na ang kanyang bibig, ilapit at hawakang mabuti at tsaka pasusuin. Kapag hindi pa naibubuka ng bata ang kanyang bibig, ipagpatuloy ang pagdampi sa kanyang labi.


Siguruhin na nakadikit ang bibig ng bata sa inyong areola, may pagkakataon na ang ilong ng bata ay nakdikit sa iyong suso, huwag mag –alala dahil normal ito at nakakahinga parin ng maluwag ang bata.


Hayaang sumuso ang sanggol mula 10 hanggang 15 minuto, at ilipat naman sa kabilang suso.

Kapag busog na ang bata, kusa itong titigil sa pagdede. Kung tapos ng dumede at kailangan tanggalin ang bibig mula sa suso, ilagay ang isang daliri sa isang sulok ng kanyang bibig at ilayo ng marahan ang bata. Hayaan ng dumighay ang iyong bata pagkatapos ng paspapasuso.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home